top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Criminology student, patay… 8 sangkot umano sa hazing, huli sa Davao City

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 20, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | September 20, 2022



Walong lalaking miyembro ng Alpha Kappa Rho (AKRHO) Delta Chapter fraternity ang nadakip ng mga awtoridad na sangkot umano sa hazing na ikinamatay ng isang 19-anyos na Criminology student sa Davao City noong Linggo.


Sa ulat ng pulisya, nahuli ang mga ito sa mismong araw ng umano’y hazing ng fraternity sa biktima. Habang pinaghahanap naman ang 6 na iba pang sangkot din sa hinihinalang hazing na nakatakas.


Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), nakatanggap sila ng sumbong na may isang bangkay na natagpuan sa Upper Mandug, Buhangin District, kung saan nangyari ang umano’y initiation noong Linggo.


Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, nagtamo ng matinding pasa sa hita ang Criminology student. Posible umanong resulta ito ng paghataw sa kanya ng matigas na bagay na kanyang ikinamatay.


Dinala naman sa ospital ang isa pang estudyante na nagtamo rin ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.


Una nang naglabas ng statement ang University of Mindanao sa Davao City na may mga estudyante sila mula sa College of Criminal Justice na sangkot umano sa nasabing hazing.


Handa namang makipagtulungan ang nasabing eskwelahan sa imbestigasyon ng pulisya at sa ikareresolba ng naganap na krimen.


Alinsunod sa Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law, ipinagbabawal ang anumang uri ng hazing at iba pang initiation rites ng mga fraternities at sororities sa mga paaralan, at hindi nito kinikilala ang naturang fraternity group.


“The AKRHO Alpha Delta Chapter is not a recognized organization in the university, including their illegal activities and roster of membership,” ayon sa pamunuan ng University of Mindanao.


Ayon pa sa pulisya, nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang mga nadakip na mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page