Cray, Knott, Uy, Richardson at Brown sa Athletics SEAG
- BULGAR
- Apr 17, 2023
- 2 min read
ni Clyde Mariano @Sports | April 17, 2023

Pitong Fil-Ams sa pangunguna nina Olympians at World Indoor Athletics veterans Eric Shawn Cray at Kristina Marie Knott ang kasama sa 47 star-studded athletics delegation sa 32nd Southeast Asian Games na aarangkada sa Mayo 5-17 sa Cambodia.
Maliban kina Cray at Knott, ang iba pang Fil-Ams ay sina Natalie Rose Uy, Robyn Brown, Kayla at Kyala Richardson at ang bagong recruit na si Elijah Cole.
Target ni Cray ang pang-anim na sunod na ginto sa 400m hurdles una niyang napanalunan sa 2013 sa Myanmar at nasungkit ang pang-lima sa Vietnam. Nanalo rin si Cray sa 100m at 200m at tinanghal pang “sprint king” noong 2015 sa Singapore.
Lalahok si Knott sa 100m at 200m at paborito ang 25 years old Pinay na tubong Caribbean Island na nakatira sa Orlando, Florida nang dominahin ang dalawang sprint events.
Itataya ni Uy, anak ng Pinoy na taga-Talisay, Cebu, na nakabase sa Ohio ang korona sa pole vault na dalawang beses niyang napanalunan sa Pinas at Vietnam.
Lalaro sina Brown at ang magkapatid na Richardson sa sprint at si Cole sa pole vault kasama si Tokyo Olympian at defending champion Ernest John Obiena at Hockett de los Santos.
Si Obiena ang magsisilbing flag bearer sa Cambodia at hindi na si Hidilyn Diaz dahil hindi lalahok ang Tokyo Olympian gold medalist sa SEAG bagkus ay lalarga ito Olympic qualifying sa Korea at Saudi Arabia na kasabay ng SEAG.
Hindi pa tiyak kung makalalaro si William Morrison. Sinabi ni Patafa secretary general Edward Kho na wala pa silang balita tungkol kay Morrison. “We are not sure kung makakasama si Morrison sa team. Hindi man lamang nakikipag-communicate sa Patafa kung lalahok siya sa SEA Games,” sabi ni Kho sa panayam sa kanya.
Si Morrison ang defending champion sa shot put. Dalawang beses nanalo ang Pinoy sa SEAG noong 2019 sa Pinas at 2021 sa Vietnam.





Comments