ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 13, 2023
Umabot na sa higit 200 ang araw-araw na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, halos limang buwan matapos ang pagtanggal ng public health emergency noong Hulyo.
Batay sa pinakabagong ulat ng kaso ng COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) na inilabas noong Martes, nakapagtala ang bansa ng average na 260 kaso kada araw sa linggo mula Disyembre 5 hanggang 11.
Nagpapakita ang bilang na ito ng 36-porsyentong pagtaas mula sa nakaraang linggo na may average na 191 kaso kada araw.
Noong Hulyo 17 hanggang 23 pa ang huling pagkakataon na nakakita ang bansa ng higit sa 200 kaso kada araw.
Simula noon, umiikot ang national tally sa pagitan ng 100 at 200 kaso kada araw.
Коментарі