top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

COVID-19 vax drive uli sa Disyembre 5-7 – DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | November 22, 2022



Muling magsasagawa ng 3-araw na COVID-19 vaccination drive sa buong bansa ngayong Disyembre upang tumaas pa ang mga booster uptake at inoculation rate kabilang rito ang mga kabataan.


Ito ang inanunsiyo ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ngayong Martes, na aniya prayoridad nila ang mga batang nasa edad 5 hanggang 11, at mga hindi pa nakatanggap ng kanilang unang booster dose.


“We have this coming December 5 to 7 the Bakunahang Bayan. Ito po ay mangyayari na lahat po, buong bansa, ay magkakaro’n nitong effort na ito. It’s a national activity kung saan we will focus more on our children 5 to 11 years old, at saka ‘yung atin pong mga magre-receive ng first boosters,” pahayag ni Vergeire sa isang press conference.


Ayon kay Vergeire, pinaigting na rin ng gobyerno ang kanilang koordinasyon sa iba pang organisasyon at stakeholders gaya ng Chinese community, malls, fast food restaurants, at mga private physicians para mahikayat nito ang kanilang mga pasyente na magpabakuna kontra COVID-19 kapag bumisita sa kanilang mga klinika.


Base sa datos ng DOH, nasa 73.7 milyong Pilipino na ngayon ang fully vaccinated laban sa COVID-19, habang may 20.9 milyong indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang unang booster shot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page