top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

COVID-19 vaccine ng U.S. sa mayayaman, Sinovac vaccine ng China para sa mahihirap, ayos din!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 20, 2020



Ready na ang Pfizer at Moderna ng U.S. na ipagamit ang COVID-19 vaccine anytime.


Pero, ito ay para lang sa mayayaman!


◘◘◘


Ang hinihintay ng Malacañang ay ang Sinovac vaccine ng China.


Ito naman ay para sa mga mahihirap.


At bandang Disyembre 2021 pa puwedeng ibakuna nang todo-todo!


◘◘◘


Kahit sa paglalagay ng COVID-19 vaccine ay talagang may diskriminasyon.


‘Yan ang aktuwal na “buhay-alamang”, paglukso, “nanlaban”!


◘◘◘


Lumalakas na ang loob ng mga anti-Duterte.


‘Yan mismo ang aftermath ng panalo ni Joe Biden!


◘◘◘


Sa pagbabago ng liderato sa Washington sa Enero 20, 2021—asahan ninyong tatapang nang todo si VP Leni.


Tatapang din ang mga taga-Ateneo, UP at taga-Simbahan!


◘◘◘


Tatanggalan daw ng budget ang UP.


Bahala kayo!


◘◘◘


Sunud-sunod ang lindol parang bagyo.


Babala kaya ito sa ‘da big wan?


◘◘◘


Puwede nang bumiyahe ang ordinaryong tao sa international space station sakay ng private spacecraft.


May discount rin ba ang senior citizen?


◘◘◘


Kumalas na sa ruling party na PDP-Laban ang mismong secretary-general na si Pantaleon Alvarez.


Kwidaw!


◘◘◘


Ready na si Mayor Sara sa 2022.


Huwag sana siyang mag-ala-Jejomar Binay!


◘◘◘


Bakit kaya si Willie Revillame ang hinihingan ng tulong ng mga biktima ng kalamidad imbes na ang dalawang mataas na lider ng bansa?


Nag-aaway kasi sina Digong at Leni kaya’t ayaw gambalain ng mga pobre.


Baka sila pa ang “masinghalan”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page