top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

COVID-19 vaccination sites, dapat bantay-sarado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2022
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | January 05, 2021



Matapos ang holiday season at sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), dagsa ulit ang mga nagpapabakuna sa ilang vaccination sites sa rehiyon.


Kabilang sa mga dinaragsa ang Ramon Magsaysay High School, kung saan karamihan sa mga dumating ay nagpapa-booster shot. Anila, nais nilang madagdagan ang proteksiyon laban sa mas nakakahawang Omicron variant ng COVID-19.


Sa Marikina City, fully booked na ang binuksang 4,500 slots kada araw para sa booster shot hanggang January 14 dahil sa dami ng nag-book online. Dahil dito, plano ng lungsod na magdagdag ng vaccination sites para makapagbukas ng mas maraming slots.


Samantala, patuloy ang panawagan ng gobyerno at vaccine expert panel sa publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 dahil base umano sa datos ng Department of Health (DOH), karamihan ng mga nasa ICU dahil sa malalang sintomas ng COVID-19 ay wala pang mga bakuna.


Bagama’t may mga bakunadong nahahawaan ng sakit, maliit lang ang posibilidad na magkaroon sila ng malalang sintomas.

Sa ngayon, nasa 1.8 milyon na ang nakatanggap ng booster shot, habang 49.8 milyon naman ang fully vaccinated sa bansa at 57.1 milyon ang may unang dose.


Magandang balita na marami nang desididong magpabakuna, ‘yun nga lang, pakiusap natin sa mga lokal na pamahalaan na bantayang mabuti ang vaccination sites.


Kailangang may malinaw na panuntunan kung pinapayagan ang walk-in o istriktong ipinatutupad ang appointment policy dahil sa ganitong paraan, maiiwasan ang kalituhan ng mga nais magpabakuna, gayundin, mapapanatili ang maayos na sistema sa vaccination site.

Isa pa, kailangang matiyak ng lokal na pamahalaan na magiging handa sila sa anumang puwedeng mangyari.


Tulad ng palagi nating sinasabi, iisa lang ang hangad natin at ito ay walang iba kundi ang mapanatiling ligtas ang lahat sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page