top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

COVID-19 vaccination program, dapat nang magpokus sa mga probinsiya

BULGAR
Mar 19, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 19, 2022


Matapos ang ikaapat na bugso ng ‘Bayanihan Bakunahan’, plano ng Department of Health (DOH) na itigil na ang pagdaros nito dahil sa mababang resulta sa huling malawakang pagbabakuna kontra COVID-19.

Matatandaang bigo ang pamahalaan na maabot ang 1.8 milyong target na mabakunahan noong Marso 10 hanggang 12.

Gayunman, hindi ikinagulat ng DOH ang pagbaba ng mga pumipila sa vaccination sites ngayong patapos na ang kampanyang bakunahan laban sa COVID-19.

Paliwanag ng isang opisyal ng DOH, inaasahan na ang pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna dahil nasa last mile na ang kagawaran sa vaccination program. Ibig sabihin, ang ahensiya na mismo ang naghahanap ng mga indibidwal na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Giit pa ng opisyal, karamihan sa mga taong dapat mabakunahan ay fully vaccinated na, kaya ngayon ay tanging mga indibidwal na may pag-aalinlangan pa rin sa bakuna ang kanilang target na hanapin at bakunahan.

Ngunit aminado ang opisyal na malaking hamon ang makabagong istratehiya ng pagbabakuna dahil personal umanong magtutungo ang vaccinator sa iba’t ibang komunidad o workplaces para makapagbakuna.

Base sa datos ng kagawaran, nasa 64.6 milyon na ang fully vaccinated laban sa sakit, habang binubuo naman ang 71.84% ang target population nito.

Bagama’t magiging hamon ang bagong diskarte, hangad nating matutukan din ang mga lugar na may mababang bilang ng bakunado. Kumbaga, dapat lahat ay maabot ng bakunahan, lalo na ang mga probinsiya.

At dapat kasabay nito ang patuloy na pagbibigay ng kaalaman at pagpapaliwanag tungkol sa magandang epekto ng bakuna.

Batid nating hindi magiging madali ang mga susunod na araw, pero hangad nating mas marami pang makumbinsing magpabakuna laban sa sakit.

Bukod kasi sa disiplina, ito ang mahalaga nating panlaban upang maiwasan ang hawahan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page