COVID-19 vaccination drive, dapat i-house-to-house
- BULGAR
- Feb 20, 2022
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | February 20, 2022
INISNAB ni P-Digong ang huling PMA Alumni Homecoming sa kanyang termino.
Nag-iingat lang siguro sa Omicron variant!
◘◘◘
NAGBITIW na si DENR Secretary Roy Cimatu dahil sa kanyang kalusugan.
Sino pa ang susunod?
◘◘◘
ILANG buwan na lamang sa Malacañang si P-Digong.
Aminado na nag-iempake na rin siya.
'Yan ang good boy!
◘◘◘
HINDI naabot ang 5 million target sa ikatlong mass vaccination drive.
Tinatamad ang mga tao na magpabakuna!
◘◘◘
DAPAT i-house-to-house ang COVID-19 vaccination drive.
Kapag hindi 'yan ginawa, baka mag-expired lang 'yan.
Sayang!
◘◘◘
SA ayaw o sa gusto ng gobyerno, maglalaho na ang COVID-19.
Ang ekonomiya naman ay walang katiyakan kung paano makakarekober!
◘◘◘
PAANO sasaklolohan ng gobyerno ang mga walang pambayad sa konsumo ng tubig, kuryente at renta sa inuupahang bahay?
Waley programa!
◘◘◘
KALIWA’T kanan ang dumaraing sa hirap ng buhay.
Dumarami na ang kaso ng pagnanakaw!
◘◘◘
INAASAHANG gagrabe ang kaso ng prostitusyon, pagkabaliw at pagpapakamatay.
Walang sinumang grupo ang nagboboluntaryong sagipin ang mga may “mental case”!
◘◘◘
KUWARENTA porsiyento ng military resources ng Russia ay nakaporma sa border ng Ukraine.
Isang hudyat lang ni Putin ang hinihintay sa ikatlong digmaang pandaigdig!
◘◘◘
SOBRA ang taas ng presyo ng petrolyo dahil sa banta ng digmaan.
Matapos ang COVID-19, krisis naman sa langis!
◘◘◘
WALANG duda, madadamay ang Pilipinas kapag sinalakay ng Russia ang Ukraine.
Kaawa-awang Pinoy!
◘◘◘
KAPAG natuloy ang giyera sa Europe, maaaring madamay na rin sa digmaan ang China.
Maaari kasing gumuho ang kanilang ekonomiya ng isang iglap lang!








Comments