top of page
Search
BULGAR

COVID-19, pinagtatawanan na lang ng mga Pinoy, tsk!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 15, 2022


CORONAVIRUS, PINAGTATAWANAN NA LANG NG MGA PINOY – Labing-isang foreigners na nakapasok sa bansa ang nagpositbo sa Omicron subvariant (BA.2.12.1).


Imbes ‘sad’ ang maging reactions sa social media ng netizens, ay “ha-ha” ang reactions nila rito.


Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi na takot ang mga Pinoy sa coronavirus kasi ginagawa na lang nila itong katatawanan.


◘◘◘


BAKA TANGGALIN ANG REBULTO SA UP AT ANG IPALIT DITO REBULTO NI ANDREW E. – May mga pro-Marcos at pro-Duterte ang nag-post sa social media at nanawagan na lumagda bilang petisyon na palitan na ang pangalan ng University of the Philippines (UP), at gawin daw itong Bagong Pilipinas University (BPU), na hango sa kanta ni rapper Andrew E.


Naku, kapag nagtagumpay na palitan ang pangalan ng UP ay baka tanggalin na rin ang rebulto ng oblasyon ng UP at palitan ito ng rebulto ni Andrew E. kapag naging BPU na ito, boom!


◘◘◘


HARRY ROQUE MATAPOS MATALO, NAGPAPANSIN KAY BBM BAKA MABIGYAN NG PUWESTO SA GOV’T. – Habang namimili si incoming Pres. Bongbong Marcos sa mga magiging miyembro ng kanyang gabinete, panay ang post sa social media ng talunang senatorial candidate, former presidential spokesman Harry Roque na kesyo maglo-law practice na lang daw siya, babalik daw siya sa pagiging human rights lawyer, na pupunta raw siya sa Ukraine para mag-abogado sa mga biktima ng karapatang pantao ng Russia.


Hindi man aminin, masyadong halata na nagpapapansin si Roque kay BBM para mabigyan siya ng bagong posisyon sa BBM administration, period!


◘◘◘


WALA NA TALAGANG BABALIKANG TRABAHO ANG MGA ORDINARY WORKERS NG ABS-CBN – Malabo nang makabalik sa trabaho ang mga ordinary workers ng ABS-CBN mula nang tanggalan ito ng prangkisa ng Duterte administration.


Kung si Vice Pres. Leni Robredo ang nagwagi, may pag-asa pa sana na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, pero dahil si BBM ang naging presidente, malabo na talagang magkaprangkisa ang Kapamilya network.


‘Ika nga, dapat nang tanggapin ng mga ordinary workers ng ABS-CBN na wala na talaga silang babalikang trabaho, saklap!

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page