top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

COVID-19 patients sa mga ospital sa NCR, dumarami na

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 6, 2022


Unti-unti na ring tumataas ang COVID-19 healthcare utilization rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala ito sa 36.5% noong Hulyo 31.


Sa pagsusuri ng OCTA Research group sa datos ng Department of Health (DOH), makikita umanong tumaas muli ang HCUR sa Metro Manila na naitala sa 31.7% noong Hulyo 24. Nangangahulugan umano ito ng patuloy na pagdami ng bilang ng mga COVID-19 patients na nasa mga pagamutan, habang ang intensive care unit (ICU) rate sa rehiyon ay naitala sa 27.3% mula sa dating 26.9%.


Samantala, nakapagtala ng pinakamataas na ICU occupancy rate ang lalawigan ng Capiz na may 71.4% noong Hulyo 31 mula sa dating 42.9% noong Hulyo 24. Gayundin, tumaas ang HCUR sa naturang lalawigan sa 44.6% mula sa dating 34.1%


Kabilang naman sa nananatili sa higit 50% ang HCUR ay ang mga lalawigan ng Iloilo (56.1%) at Bohol (59.5%)


Sa totoo lang, hindi nakagugulat ang pagtaas ng HCUR sa Metro Manila. Marahil, dahil ‘yan sa humihinang bisa ng bakuna, gayundin, marami-rami nang nakakalimot sa mga health protocols.


Kung hindi talaga mapipigilan ang pagdami ng pasyente, hangad nating napaghandaan ito ng mga pagamutan, gayundin ang ating medical frontliners, lalo pa’t binabantayan din natin ang panibagong sakit na monkeypox.


Sa pagkakataong ito, sana’y handang-handa na tayo. Kumbaga, ‘di na dapat nangangapa at sana’y natuto na tayo mula sa mga nakaraang pinagdaanan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page