top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

COVID-19 booster dose epektib vs. BA.2.75 Omicron subvariant — VEP

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 21, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | July 21, 2022




Nananatiling epektibo ang kasalukuyang mga booster doses kontra COVID-19 laban sa bagong Omicron subvariant BA.2.75, ayon kay Vaccine Expert Panel (VEP) chief Dr. Nina Gloriani.


Sa radio interview ngayong Huwebes, sinang-ayunan ni Gloriani ang naging pahayag ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na ang BA.2.75 tinawag bilang “Centaurus,” ay maaaring mas transmissible kumpara sa ibang mga subvariants at may posibilidad na ma-evade ang kasalukuyang COVID-19 vaccines.


Gayunman, ayon kay Gloriani, base sa pag-aaral ang booster shots ay makatutulong pa rin na protektahan ang mga tao laban sa BA.2.75 Omicron subvariant na nasa ilalim ng monitoring ng World Health Organization (WHO).


“Sa ngayon, ang nakita nila ay nakakatulong ang booster dose. Ang booster dose ay nag-e-expand, nagbo-broaden ‘yung kanyang immune response, ‘yung iba’t ibang klase na antibodies for instance, mako-cover kasama ‘yung mga variants,” paliwanag ni Gloriani.


“So far, okay pa naman siya, but of course we’re looking at updated versions ng vaccines na more variant-specific later on,” dagdag niya.


Base sa latest data ng Department of Health (DOH), tinatayang 15.7 milyong indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang unang booster dose, habang nasa 1.1 milyon ang nakakuha ng ikalawang booster dose.


Nitong Miyerkules, ipinahayag ni Solante na ilang panahon lang ang BA.2.75 ay makakapasok na sa Pilipinas kaya aniya, kailangang maghanda ng gobyerno sa posibilidad na ito.


Kaugnay nito, ang DOH, katuwang ang mga local government units (LGUs), ay nakatakdang maglunsad sa Hulyo 26 ng kampanya na layong mag-administer ng booster shots sa 23.8 milyong Pilipino o 50% ng


eligible population ng bansa sa loob ng unang 100 araw ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page