ni Angela Fernando - Trainee @News | February 8, 2024
Pumalo na ang bilang ng mga namatay sa malawakang wildfire sa Chile sa 131at 300 katao naman ang nawawala.
Itinuturing na deadliest disaster ang naganap na wildfire sa Valparaiso magmula ng taong 2010.
Matatandaang nagsimula ang sunog sa isang beach resort sa bundok ng Vina del Mar dahil sa malakas na hangin na dala ng tagtuyot.
Lumabas naman sa Forensic Medical Service ng nasabing bansa na may mga bangkay ang hindi makilala dahil sa natamong sunog kaya kukunin ang genetic material ng mga ito para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Agad namang nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang United Nations na magbibigay ng tulong para sa Chile.
コメント