top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Blazers at Realtors, bida kontra Krah at Excellence

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 18, 2021





Kinalimutan ng FSD Makati Blazers ang mabagal na simula at bumanat sa 4th quarter upang mabigo ang Laguna Krah Asia, 92-86, sa pagwakas ng unang linggo ng CTG Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational 2021 sa MOA Arena.


Nagtrabaho ng husto sina Mar Villahermosa at Lordy Casajeros upang buhayin ang hangarin ng Blazers na makapasok sa knockout quarterfinals na magsisimula sa Dis. 21.


Kontrolado ng Laguna ang unang tatlong quarter hanggang naagaw ng Makati ang lamang, 73-70, sa magkasunod na buslo ni Casajeros at tres ni Jan Dominic Formento at isang minuto pa lang ang lumipas sa 4th quarter. Mula roon ay hindi napigil ang shooting nina Villahermosa at Casajeros at nakuha ng Blazers ni Coach Jocas Castillo ang ikalawang tagumpay sa tatlong laro sa Grupo B.


Nagtala si Villahermosa ng 33 puntos na bagong marka para sa pinakamarami sa isang laro sa torneo. Sinundan nina Casajeros na may 18 at Formento na may 11. Wagi ang Sta. Lucia-Pasig Realtors sa Caloocan Excellence, 87-60, kung saan muntik na hindi papuntusin ng Realtors ang kalaro sa 4th quarter. Lamang lang ng dalawa ang Sta. Lucia, 59-57, at bumuhos ng 28 sunod-sunod na puntos hanggang ipinasok ni Joseph Penaredondo ang natatanging tatlong puntos ng Caloocan sa huling 24 segundo.


Nanguna sa Realtors si Allen Mina na ginawa ang walo ng kanyang 16 puntos sa 4th quarter. Itinanghal na Best Player si Justin Arana na double-double na 14 puntos at 12 rebound.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page