top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sen. Gatchalian at jowang si Bianca Manalo, dedma sa cheating isyu

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2023
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 21, 2023





Tila walang alam ang senador na si Win Gatchalian sa isyung kinasasangkutan ng kanyang jowang si Bianca Manalo kahit pa dinumog na ito ng mga Marites upang usisain sa nasabing tsismis.


Nagpaulan nga ang madla ng mga komento sa recent post ni Gatchalian sa Facebook kung saan tinatanong ng mga ito kung updated daw ba ang senador sa mga latest na tsika sa showbiz.


Wala pa rin naman itong sey na nadawit ang pangalan ng kanyang nobya sa aktor na si Rob Gomez.


Dedma naman ang showbiz girlfriend ni Sen. Win sa mga umuugong na balita at nagbahagi pa ito ng mga larawan sa kanyang story sa Instagram na nasa isang bakasyon ito sa Tokyo, Japan kasama ang kanyang pamilya.


Matatandaang kumalat ang mga screenshot ng palitan ng mensahe ni Rob kina Herlene Budol at Bianca na parang may relasyon ito sa dalawa at may nangyayari off-cam. 


Kamakailan lang ay kasama ni Gatchalian si Bianca na nagdiwang ng kanyang kaarawan sa Malacañang kung saan proud na proud na ibinida pa ng aktres ang kanilang mga larawan sa IG. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page