Eiffel Tower, inaasahang mawawalan ng 70 M Euros dahil sa COVID pandemic
- BULGAR
- May 21, 2021
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 21, 2021

Bubuksan na uli sa publiko ang Eiffel Tower sa July 16 matapos ang ilang buwang pagpapasara rito dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa operator ng Eiffel Tower na Société d'Exploitation de la Tour Eiffel (SETE), lilimitahan sa 10,000 katao sa isang araw ang bilang ng mga maaaring pumunta upang masigurong masusunod ang social distancing.
Pahayag ni SETE President Jean-François Martins, “After several months of closure, we are impatient to have our staff and visitors back with, of course, strict compliance with sanitary protocols.”
Bago ang pandemya, tinatayang aabot sa 7 million ang bumibisita sa Eiffel Tower kada taon. Dahil sa COVID-19, inaasahang aabot sa 70 million euros ($85 million) ang mawawala ngayong 2021 sa kanilang kita sa turismo.
Noong 2020, umabot sa 52 million ang nawala, ayon kay Martins.
Aniya, “We cannot absorb both loss-making years with our existing capital.”
Samantala, noong Miyerkules, nagluwag na ng restrictions ang France at ang mga cafe at restaurants ay maaari nang magkaroon ng outdoor dining services sa mga rooftop o terraces ng establisimyento.





Comments