top of page

Yakapan at kiss sa kanya ng kapwa aktres, viral… JANELLA, INAMIN NA ANG RELASYON NILA NI KLEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 17, 2025



Janella Salvador - Klea Pineda IG

Photo: Janella Salvador - Klea Pineda IG

  


Tuluyan nang inamin ni Janella Salvador ang relasyon nila ni Klea Pineda sa panayam niya kay MJ Felipe sa TV Patrol (TP) nitong Lunes nang gabi.


Matatandaang isinulat namin dito sa BULGAR noong Setyembre 4 na pilit tinatanong ang dalawa kung ano ang real score nila sa naganap na Cinemalaya 2025 mediacon.


Dahil may pelikula silang Open Endings (OE), inisip na baka promo lang kaya sweet sila.

Pero dahil nasambit ni Janella na hindi siya ang third party sa hiwalayang Klea at Katrice Kierulf, at nagbiro pa siya ng “What you see is what you get” sabay tawa, posible talagang sila na.


Pero sabi nga, hangga’t hindi inaamin nang diretso ay hindi pa rin maituturing na kumpirmado.


Nakadagdag din ang viral video off-cam kung saan nakitang nakayakap si Janella kay Klea habang nakatalikod ito, at panay din ang yakap ng huli bukod pa sa hinalikan siya sa noo.


Kaya naman sa panayam ni MJ kay Janella, diretsong tinanong kung ano talaga ang nagaganap sa kanila ni Klea.



Gigi De Lana - Julius Babao Unpulugged


Bungad ni MJ, “Ang closeness ninyo ni Klea, lumabas na beyond work?”

“Yeah, sa totoo lang, kaming 4 (Jasmine Curtis-Smith at Leanne Mamonong), pero yeah, yes, yes!” nakangiting sagot ni Janella.


Sina Jasmine at Leanne ay mga co-stars nina Janella at Klea sa pelikulang OE.


Hirit pa ni Janella, “Whatever you see, hindi naman ako nagtatago. I’m not hiding anything, I’m not guilty of anything din. So, kung ano ‘yung nakikita n’yo, ‘yun na ‘yun! That’s what I always say. Hahaha!”


Dugtong ni MJ, “And there’s nothing to be ashamed of, it’s love.”

“Yeah exactly, love? Love na agad? Paano mo nalaman?” tumatawang tanong ni Janella.


Balik ni MJ, “Ano ba dapat? Hahaha!”


“I’ve been happy for the past few days. Like you said, you can see how happy I am and yeah, I don’t have to translate that,” pag-amin ng aktres.


Hayan, hindi na puwedeng sabihing read between the lines dahil galing na mismo kay Janella ang sagot kung ano ang relasyon nila ni Klea.


Samantala, nagbigay naman ng update ang aktres sa anak niyang si Jude na 5 taon na sa susunod na buwan. Co-parenting sila ni Markus Paterson.


Inamin ni Janella na hirap siya sa tinatawag na co-parenting lalo’t wala sa bansa ang ama ng bata.


“I’m not gonna say that co-parenting is easy, it’s really not, we’re steady. Actually, he’s not in the country right now, he’s finally working on his dream, nagpapadala s’ya kay Jude when he can, so, we’re okay right now,” pahayag ng aktres.


Magkaibigan ba sila ng tatay ng anak? 


Sagot niya, “Yeah. Hahaha! Friends, civil, yeah.”

Okay naman ang sustentong padala ni Markus para kay Jude?

“Yes, now, we’re good on that.”


Sa kasalukuyan ay abala si Janella sa taping ng bago niyang project kasama sina Kaila Estrada, Sue Ramirez, at Charlie Dizon, ang seryeng What Lies Beneath (WLB) kasama sina Jake Cuenca at JM de Guzman mula sa direksiyon ni Onat Diaz para sa ABS-CBN.




Todo-kayod, nasobrahan sa pagod at puyat…

AKTOR, TAGILID ANG PUSO, PINAG-IINGAT NG DOKTOR 



Blind Item


BLIND ITEM:


PINAG-IINGAT ang aktor na huwag masyadong magpapagod dahil nakakasama ito sa kalusugan niya.


Kamakailan lang ay dumaan sa cardiac catheterization ang aktor na inakala ng mga kasama niya sa trabaho na ia-angioplasty siya.


Masyado kasing intense ang aktor sa lahat ng karakter na ginagawa niya kaya tiyak na naapektuhan ang kanyang kalusugan, bukod pa sa sobrang puyat nito lalo’t segue-segue rin siya.


At dahil sa nangyari ngayon sa aktor, sinabihan na siya ng doktor na maghinay-hinay sa trabaho. Hindi na puwede ang araw-araw ay may shoot, kailangan ng sapat na pahinga at tamang pagkain.


Mabuti na lang daw noong sinumpong siya ng sakit sa dibdib ay kasama niya ang kanyang pamilya kaya naitakbo agad sa ospital.


Sa kasalukuyan ay may umeereng serye ang aktor at katatapos lang niyang gawin ang pelikulang pinagbibidahan niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page