top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

OFFICIAL TRAILER NG INTERNATIONAL MOVIE NI JANELLA, INILABAS NA

BULGAR
Mar 15, 2024
2 min read

ni Rensel Sabando @Entertainment | March 15, 2024



                                                                          

Opisyal nang inilabas ang trailer para sa inaabangang pelikula titled Under Parallel Skies na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Win Metawin. Ipinakita sa trailer ang chemistry sa pagitan ng dalawang sikat na lead stars.


Nakatakdang ipalabas ang “Under Parallel Skies” sa April 17 sa mga sinehan sa buong bansa. Ang international na pelikula ay ipapalabas din sa ilang bansa tulad ng Singapore at Thailand sa Mayo 1 at Mayo 9 na ipinakita sa huling clip ng video.


Ani ng 28 Squared Studios sa caption: “Good things may come to an end, but new good things will arise from endings.” Speaking of 28 Squared Studios, sila ang naglabas ng trailer sa kanilang official Instagram account.


Dagdag pa nila, “Sometimes, the little changes and little transitions define the true meaning of life.”


Ito rin ang unang lokal na pelikula para sa taon na ipapamahagi ng international production house na Warner Bros na sikat sa palabas na Harry Potter and the Sorcerer’s Stone, Wonka, The Exorcist, Meg 2: The Trench at marami pang iba.


Sa trailer naman, makikita si Iris (ginagampanan ni Janella) na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang bahagi ng staff ng hotel at tinutulungan si Parin played by Win na nakainom ng alak noong una nilang engkuwentro.


Hanggang sa mamulaklak ang kanilang relasyon habang tinutulungan ni Iris si Parin na mahanap ang ina nito sa Hong Kong. Sa kalaunan, ang dalawa ay na-develop habang ipinapahayag ni Parin ang kanyang pagmamahal kay Iris sa romantikong bansa.


Pagkatapos, ipinakita ng trailer si Iris na tila iniiwan si Parin na nagsimulang maghanap din sa kanya.


Ang “Under Parallel Skies” ay tungkol sa kung paano nagagawa ng dalawang karakter na i-navigate ang pag-ibig, dalamhati, at pagpapagaling sa dayuhang lungsod sa gitna ng kanilang pagkakaiba sa kultura at pagkakakilanlan.


Samantala, ibinahagi ng mga tagahanga ang kanilang kasabikan matapos mapanood ang trailer at iba't ibang reaksiyon mula sa fans nina Janella at Win ang nakita sa comment section ng post.


Sey ng isang fan, “My heart, can't wait to burst into the trailer. I can't but surely bring a lot of tissues on April 17.”


Comment ng isang fan na halatang excited na sa movie, “Palabas na ang trailer. Oh my, everything looks interesting, looking forward to watching it.”


Nag-comment din ang sikat na vlogger na si Evan Tan, aniya, “LET’S GOOO,” na may clap and fire emoji na isinama.


Anyway, ang “Under Parallel Skies” ay nag-world premiere nu’ng Linggo, Marso 10, sa Hong Kong, kung saan kinunan ang pelikula. Present sa premiere ang dalawang lead stars kasama ang 28 Squared Studios CEO na si Richard Juan at ang direktor ng pelikula na si Sigrid Bernardo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page