ni Angela Fernando - Trainee @News | January 30, 2024
Pumutok ang mga tsikang balik-'Pinas na si Tom Rodriguez matapos ang halos dalawang taon nito sa Arizona, United States.
Ang tanong ngayon ng netizens ay kung handa ba si Carla Abellana na muling makaharap ang kanyang ex-husband dahil pareho silang Kapuso.
Sa isang panayam, inamin ni Carla na 'di niya alam na nasa bansa na si Tom, ngunit handa naman siya kung sakaling muli silang magkaharap.
Sey ng aktres, hindi naman siya intimidated o takot na makita muli si Tom.
Aware rin naman daw ang Kapuso actress sa mga obligasyon ng dating asawa at maraming beses na ring sumagi sa isip niya na babalik ito, ang hindi lang alam ng lahat ay kung kailan.
Dagdag ng aktres, "I think naman, okay lang. Ready naman ako, hindi naman ako 'yung type na 'Ay, ayoko!' or avoidance or what. It's inevitable, 'ika nga."
Kamakailan nga ay muling pumirma ng kontrata si Carla sa GMA Network at kasalukuyang pinagkakaabalahan ang mga proyektong kanyang gagawin.
Comments