DLSU Lady Spikers lumawig ang unbeaten streak vs. UST
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
by Elyssa NIchole @Sports News | March 26, 2026

Photo: Palihis na palo sa bola ang ginawa ni #7 Shevana Laput ng Dela Salle Lady Spikers sa depensa ni #17 Angeline Poyos ng UST Golden Tigresses sa UAAP Season 88 Women's Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum kahapon. (Ben Maniclang)
Mga laro sa Sabado
(UST Quadricentennial Pavilion)
9 AM - AdU vs UE (Men’s)
11 AM - AdU vs UE (Women's)
1 PM - NU vs Ateneo (Men’s)
3 PM - NU vs Ateneo (Women’s)
Bumangon mula sa pagkakalubog sa walong puntos na kalamangan sa third set ang DLSU Lady Spikers upang dominahin ang UST Golden Tigresses sa bisa ng 25-12, 18-25, 25-23, 25-14 upang manatiling undefeated at lumapit sa pagsiguro sa playoff spot ng UAAP Season 88 Collegiate Women’s Volleyball kahapon sa Araneta Coliseum.
Naghahabol sa 12-20 ang La Salle sa third set matapos mag-init ang laro ng UST kasunod ng magtuloy ang momentum mula sa second set panalo, ngunit bumira ng matinding 13-3 run ang Lady Spikers na pinagtulungang habulin nina Lilay del Castillo, Shane Reterta, Shevana Laput at Angel Canino upang manatiling hawak ang momentum ng laro at maitakas ang panalo sa third set.
Hindi na napigilan pa ang pag-init ng laro ng La Salle nang kunin ang maagang 7-0 iskor sa 4th set at pahirapan ng hustong makabalik sa dating wisyo ang laro ng Golden Tigresses upang tuluyang makuha ang pambihirang 9-0 rekord, na huling nakuha noong 85th season nung 2023, habang ibinagsak sa 5-4 kartada ang UST sa 4th place.
Maaring masiguro ng Taft-based Lady squad ang outright berth sakaling magwawagi ito kontra UP Lady Fighting Maroons sa Linggo sa UST Quadricentennial Pavilion.
Bumida sa iskoring si Canino sa 17 puntos mula sa 15 atake at 2 blocks kasama ang 7 digs at 5 receives, habang sinundan ito ni Laput sa 14 marka mula sa 11 kills.
Samantala, nagwagi naman ang Adamson Lady Falcons sa 3 straight sets laban sa Ateneo Blue Eagles, 25-17, 27-25, 25-16.




Comments