Cool Smashers, sasabak na sa AGP vs. Thailand
ni Gerard Arce - @Sports | September 9, 2022

Paniguradong tatayong pinuno at lider ng koponan si playmaker Jia Morado-De Guzman ng Creamline Cool Smashers-Philippine national team para humalili sa muling pagliban sa laro ni team captain Alyssa Valdez dahil sa pagpapagaling sa karamdaman kontra sa tatlong podium finishers ng SEA Games sa pagsisimula ng three-day event na 2022 ASEAN Grand Prix sa Korat Chatchai Hall, Nakhon Ratchasima, Thailand Biyernes ng gabi.
Hindi na bago para sa six-time Premier Volleyball League (PVL) best setter ang pamunuan ang koponan ng patuloy na paggabay sa katatapos lang na Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women, kung saan tumapos ang bansa sa best finish sa kasaysayan sa ika-anim na pwesto. Tiyak na magiging abala ang 27-anyos na dating tandem ni Valdez sa Ateneo Lady Blue Eagles na humakot ng dalawang kampeonato at runner-up finishes sa UAAP simula 2014-2017 sa pagbibigay ng mga plays kina power hitters Jessica Margarett “Jema” Galanza, Michelle Gumabao at Diana Mae “Tots” Carlos.
Naging epektibo rin ang mga quick attacks at plays nina Morado-De Guzman at PVL Invitational Conference Finals MVP Celine Domingo gayundin sina Jeanette Panaga, Fille Cainglet, Rizza Mandapat, Rose Vargas, Lorie Lyn Bernardo, Pau Soriano at ang nagbabalik na si Risa Sato, habang kahalili si setter Kyle Negrito habang nakaabang parati sina liberos Kyla Atienza at Jorella De Jesus.
Sasabak sa tatlong magkakasunod na laro ang Pilipinas kontra sa mga kalapit bansang Indonesia, Vietnam, at Thailand. Makakalaban ng national squad ang 13-time SEA Games champion na Thailand sa main game ngayong gabi ng 7:00, pagkatapos ng bakbakan ng SEAG runner-up na Vietnam at Indonesia ng 4 p.m. Sunod na lalaro ang 'Pinas sa Set. 10 laban sa Vietnam ng 4 p.m. at ang huli ay sa Indonesia ng 4 p.m. sa Set. 11.





Comments