Cool Smashers namumuro sa c'ship round ng PVL
- BULGAR
- Dec 8, 2023
- 2 min read
ni GA @Sports | December 8, 2023

Mga laro sa Sabado
(Philsports Arena)
Game 2: Best-of-3 semifinals
4 n.h. – Choco Mucho vs Cignal HD
6 n.h. – Creamline vs Chery Tiggo
Namumurong makabalik muli sa championship round ang Creamline Cool Smashers matapos walisin ang Chery Tiggo Crossovers sa bisa ng straight set sa 25-18, 27-25, 25-22 upang masungkit ang Game 1 ng best-of-three semifinal series kagabi sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Bumanat ng husto sa third set si 2019 Open Conference MVP Jessica Margaret “Jema” Galanza na tumapos ng kabuuang 17 puntos mula sa 16 atake at isang block, kasama ang siyam na excellent receptions at 7 excellent digs, upang pahabain sa 12 sunod na panalo ang Cool Smashers sapol ng preliminary round na nangangailangan ng isang panalo sa nakatakdang laro sa Sabado sa ikalawang laro sa alas-6:00 ng gabi.
“During games tinitignan ko lang yung team mates ko kung gaano sila ka-eager manalo, so sino ba naman ako para sumuko, syempre ilalaban talaga [which is] yung ang goal namin sa game,” pahayag ng 27-anyos na tubong San Pedro, Laguna matapos ang laro, na lubusang nahamon ng husto laban sa mas batang manlalaro.
“Grabe sila maglaro yung mga bata, grabe yung energy, so masayang sabayan din.”
Maagang rumatsada ng puntos galing sa atake ang Cool Smashers sa unang set nang bumitaw ito ng 17 kills laban sa 10 lamang ng Chery Tiggo upang maging pangunahing arsenal ng defending champions sa panibagong paghaharap.
Naging sandalan ng naman Cool Smashers ang three-time conference MVP na si Alyssa Valdez, na tumapos ng 12 puntos, sa mga huling bahagi ng second set ng iniskor nito ang huling 3 puntos kabilang ang magkasunod na hambalos at service ace.








Comments