Cool Smashers, kampeon; Carlos, MVP ng PVL Open
ni Gerard Arce - @Sports | April 9, 2022

Naibulsa ng Creamline Cool Smashers ang kanilang ika-apat na kampeonato sa Premier Volleyball League at ika-unang kampeonato bilang professional team nang padapain ang Petro Gazz Angels sa bisa ng 25-18, 15-25, 25-23 at 25-16 sa Open Conference kagabi sa Ynares Center Antipolo.
Mainit na binuhat nina Jema Galanza, Alyssa Valdez, Tots Carlos na itinanghal na Most Valuable Player ng conferene at Jia De Guzman ang Cool Smashers kasunod ng mga matitinding palo at hampas higit na sa 4th set para sa kanilang ika-6th finals appearance. Humataw ng husto si Galanza na may 17pts sa 17 attacks higit na ang pagsisimula ng atake sa 4th set na nagbigay ng 12-2 run sa kanila para makuha ang 16-11, hanggang isemento nina Valdez at De Guzman ang laro.
“It’s all about mental toughness at the end of the day. We know that this is a veteran team, but we are mentally prepared at we always listen to our coaches at kung nong plano namin sa laro,” wika ni Valdez matapos ang laro. “Napakalaking bagay yung recovery namin which is nahirapan kami last bubble,” dagdag ni Valdez na nakuha ang 6th title kasama si Morado-De Guzman sapol nung naglaalro pa sa Ateneo De Manila. “It’s a luxury having them in the team. I can choose anyone kahit sino magdedeliver talaga,” ani De Guzman.
Itinanghal namang third placer ang Cignal HD Spikers dahil sa quotient system ng FIVB kontra sa Choco Mucho Flying Titans na kanilang tinalo sa pamamagitan ng 25-18, 27-25, 23-25 at 25-17. Matatandaang nakauna ang Flying Titans nung Game 1 sa iskor na 25-17, 25-21, 21-25 at 25-22. Pinagbidahan ni Rachel Anne Daquis ang HD Spikers sa kanyang 18pts mula sa 13 attacks.





Comments