top of page

Cool Smashers, kampeon Angels, binigo sa Game 3

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | March 31, 2023



Matagumpay na nakamit ng Creamline Cool Smashers ang kanilang ika-anim na conference title matapos biguin ang Petro Gazz Angels upang maipagtanggol ang kampeonato sa pamamagitan ng 20-25, 25-20, 25-18, 25-15 panalo sa harap ng 12,175 manonood sa winner-take-all Game three ng best-of-three finals ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Ito na ang ika-apat na beses na napagwagian ng Creamline ang all-local tournament, kung saan naibulsa nito ang mga titulo sa 2018, 2019 at 2022 Open conference, gayundin ang tig-isang titulo sa 2018 reinforced at 2022 Invitational.


Naging malaking inspirasyon at motibasyon para sa Creamline ang kanilang team captain na si three-time conference MVP Alyssa Valdez na patuloy na nagpapagaling sa kanyang knee injury, na buong-pusong nakasuporta sa koponan at tumutulong sa pagco-coach sa kanyang mga kakampi.


Etong game naming para sa fans at kay Ate Ly, babawi kami para kay Ate Ly,” pahayag ni Galanza na tumapos ng triple-double at game-high 19 puntos galing lahat sa atake, kasama ang 16 digs at 11 receptions, habang sinegundahan sa puntusan ni Michelle Gumabao sa 18 puntos at Diana Mae “Tots” Carlos sa 16pts at Celine Domingo sa 12pts, gayundin ang 18 excellent sets ni Julia Melissa Morado-De Guzman, kasama ang dalawang puntos.


Nasayang naman ang paghihirap ng Petro Gazz na pilit binuhat ni Gretchel Soltones sa 17 puntos, mula lahat sa atake kasama ang 11 digs, na sinuportahan ni Jonah Sabete sa 11pts mula sa pitong atake, tatlong service ace at isang block, kasama 13digs at siyam receptions.


Nakabawi ang Cool Smashers ng mapurnada ang ‘Grand Slam’ title na hangad ng malaglag sa semifinals at masungkit ng Petro Gazz ang kanilang ikalawang Reinforced Conference title katapat ang Cignal HD Spikers.

1 Comment


Katy wiwi
Katy wiwi
Nov 06, 2023

Any time I need knowledge, regardless of whether it pertains to Vave Casino specifically, I just go to https://blog.vave.com/ . It's more than just a blog; it's a link to an intriguing world of breaking news, vibrant conversation, and expert analysis. I appreciate the extensive reporting on casinos and betting parlors. The Vave team's efforts to keep us updated are much appreciated.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page