top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Cool Smashers, gagamitin sa SEAG Campaign ang 'Happy-Happy mantra'

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | April 16, 2023



Gagamitin na rin ang pamosong "Happy-Happy mantra" na kinaugalian ng six-time pro-league champion Creamline Cool Smashers mula sa pagiging kampeon sa Premier Volleyball League patungo sa national team para matamo ang inaasam na tagumpay sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.


Naging malaking motibasyon sa pagpapalakas ng loob ng CCS ‘positive vibes’ na kanilang nagagamit sa mga nagdaang laro, na umaaasang magbibigay ng dagdag suporta sa pagpapatibay ng samahan habang nagsasanay at buuing matibay ang koponan sa Japan para sa biennial meet sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo 5-17.


Karamihan sa miyembro ng national squad ay mula sa Cool Smashers na pinangungunahan ni team captain Alyssa Valdez, ace playmaker Julia Morado-De Guzman, 3-time conference MVP Tots Carlos, heavy-hitter Jema Galanza, middle blocker Ced Domingo, libero Kyla Atienza, opposite hitter Michelle Gumabao at coach Sherwin Meneses.


We correct each other, we help each other on the court kung ano 'yung mga adjustments na gagawin namin, but we do it all with a smiling face,” pahayag ni Gumabao, Sabado ng umaga sa programang Power and Play ni dating PBA commissioner at PSC chairman Noli Eala.


Nahihikayat ng husto ng pamosong “Happy-Happy” mantra ang koponan ng Creamline, na unang nasilayan sa Ateneo Blue Eagles ni coach Tai Bundit ng Thailand, na nakatulong para bigyan ng tatlong titulo at dalawang runner-up titles.


Aminado si Gumabao na nahirapan silang masagap at mailapat sa sistema ang positibong mantra sa mga unang bahagi, subalit naging susi ang ugali upang magtagumpay sa Premier Volleyball League (PVL). “Mahirap siyang intindihan talaga at first, pero I think 'yung nagpapa-encourage samin is lagi lang namin ite-take lightly or magjo-joke around kami, so sana dito rin sa national team,” wika ni Gumabao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page