top of page
BIDA - ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG-FB Angel L

Convoy ng militar hinagisan ng granada, 5 nadale

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 19, 2026



Army sa Maguindanao - CCTV Circulated

Photo: CCTV Circulated



Sugatan ang dalawang sundalo at tatlong sibilyan matapos pasabugan ang convoy ng Philippine Army sa kahabaan ng national highway sa Roundball, Barangay Mother Poblacion, nitong Sabado ng umaga.


Ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), alas-6:26 ng umaga nang maganap ang insidente habang sakay ng military truck ang mga tauhan ng 2nd Special Reaction Battalion na patungo sana sa Isulan.


Batay sa paunang imbestigasyon, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo ang umano’y naghagis ng pinaniniwalaang hand grenade sa military truck bago tumakas.


Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan. 


Nangyari ang insidente sa ikatlong araw ng pagpapatupad ng election gun ban para sa nalalapit na parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14.


Ayon kay Police Regional Office–BARMM (PRO-BAR) spokesperson Capt. Steffi Salanguit, nagsasagawa na ng imbestigasyon upang madakip ang mga responsable sa krimen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page