Contractor binaril ng babaeng ka-meetup, utas

ni Mai Ancheta @News | November 10, 2026

Photo: Nueva Ecija Police Provincial Office
Patay ang isang 53-anyos na contractor makaraang barilin ng edad 32 na babaeng nakipagkita sa kanya sa Brgy. Vega Bongabon, Nueva Ecija nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 8.
Sa imbestigasyon ng Nueva Ecija Police Provincial Office, nagtalo umano ang dalawa dahil sa cellphone ng babae na ayaw ibigay ng suspek.
Dahil dito, pinagbabaril umano ng babaeng suspek ang contractor na agad nitong ikinasawi sa loob ng kanyang sasakyan.
Sumuko naman ang suspek subalit tumangging magbigay ng pahayag sa motibo ng pagpatay at kung may relasyon ba ito sa nasawing biktima.





Comments