top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Content Creator, ‘wag puro views at pera, dapat responsable kayo!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 06, 2022



Sanay na tayong makapanood ng mga prank online.


Kani-kanyang gawa ng content ang mga vlogger para makapagpasaya ng mga manonood. Pero paano kung ang ginawang prank bilang pampa-good vibes ay mauuwi sa sampahan ng kaso?


Kamakailan, naging usap-usapan sa social media ang road rage at shooting incident sa bahagi ng Marikina River Park noong Enero 26, na napag-alamang prank lang pala. Ang prank video na in-upload sa “Viral ved” Facebook page ay umani ng higit 8 milyong views at 90,000 reactions.


Sa video, makikitang hinabol ng dalawang rider ang isang SUV dahil nakabangga umano ito ng motor, hanggang sa naabutan ng mga umano’y concerned riders ang SUV driver at dito na nagkaroon ng sagutan ang dalawang panig.


Giit ng SUV driver, wala itong nabangga at walang karapatan ang mga rider na harangin siya sa kalsada. Hanggang sa kumuha ng baril ang driver at binaril ang isang rider.


Ngunit ang lahat ng ito ay prank lang pala at hindi totoong insidente.


Gayunman, matapos ulanin ng batikos, muling nag-upload ang tatlong prankster at humingi ng tawad.

Samantala, ayon sa hepe ng Marikina City, bagama’t tinatanggap ng pulisya ang paumanhin ng tatlo, kakasuhan pa rin sila ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code o Unlawful Use of Publication and Unlawful Utterances at alarm and scandal at unjust vexation.


Nakadidismaya dahil may mga gumagawa pa rin pala ng ganitong prank. Tipong, bagama’t gusto lamang nilang magpasaya ng mga manonood, nakadidismaya dahil nauuwi sa ganitong insidente.


Hindi natin nilalahat, pero ang mahirap kasi sa ibang content creator, gagawin ang lahat para sa views at pera. Ang nangyayari, nakakalimot na sa responsibilidad na maging maingat.


Sana’y magsilbing leksiyon at paalala ito sa lahat na walang masama sa paggawa ng content, pero sana, hindi nakakaabala at nagdudulot ng takot mga tao.


‘Ika nga, hindi lahat ng prank ay nakakatuwa kaya matuto tayong lumugar.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page