Search
  • BULGAR

Contact tracing, kinikilalang gold standard sa pagsugpo ng COVID-19

ni Thea Janica Teh - | July 17, 2020




Ayon sa bagong research, magiging epektibo ang contact tracing kung mabilis mate-test at mabilis lalabas ang resulta.


Ibinahagi ng researcher mula sa University of Utrecht sa Netherland na mababalewala ang contact tracing kung aabot ito sa limang araw bago lumabas ang resulta.


Kinikilala bilang gold standard ang contact tracing para malabanan ang pandemiyang nararanasan natin ngayon. Ngunit, kinakailangan na ma-test lahat ng tao, isailalim sa isolation at tingnan ang mga nakasalamuha nito na kailangan din dumaan sa quarantine.


Para maging epektibo ang contact tracing, may tatlong kailangang gawin agad para maiwasan ang pagkalat ng virus, ayon sa researcher. Una, kinakailangan agad ma-test ang tao sa mismong araw na nakaranas ng sintomas. Pangalawa, kinakailangan ng ma-trace ang mga naka-close contact nito simula sa araw na lumabas ang resulta at pangatlo, mayroon dapat 100% tracing coverage.


Sumang-ayon din ang ilang eksperto na ang mabilisang resulta ang pinakakailangan para maging successful ang contact tracing.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.