Construction worker na tulak, huli sa akto

ni Maeng Santos @News | September 9, 2026

Photo: Nakuha sa suspek na construction worker ang 17.5 grams ng suspected shabu na may estimated standard drug price na P119K - PNP Northern Police District
Mahigit P100K halaga ng shabu ang nasamsam sa isang construction worker sa buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit hinggil sa umano’y pagtutulak ng droga ng 28-anyos na construction worker, kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ang operasyon sa koordinasyon sa PDEA at matapos tanggapin ng suspek ang markadong salapi mula sa pulis na nagpanggap na buyer, agad siyang dinamba.
Nakuha sa suspek ang 17.5 grams ng suspected shabu na may estimated standard drug price na P119K.





Comments