top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Construction worker, huli sa sugal, droga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 21 minutes ago
  • 1 min read

ni Maeng Santos @News | September 7, 2026



File in prison - PNP Valenzuela City Police Station

Photo: File / PNP Valenzuela City Police Station



Kulong ang isang construction worker na sangkot umano sa droga nang maaresto habang nagsusugal kasama ng isang pedicab driver sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.


Nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento nang maaktuhan nila ang dalawang indibidwal na nagka-cara y cruz sa loob ng isang basketball court sa Cadena De Amor St., Brgy. Balangkas alas-5 ng hapon.


Agad silang nilapitan nina PSSg. Santos at PSSg. Pingad sabay nagpakilalang mga pulis ng Valenzuela Police Sub-Station 5 saka ipinaalam ang kanilang kasalanan bago inaresto.


Nasamsam sa dalawa ang perang taya sa sugal, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas Dominador, 49.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page