top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg

Construction worker, 20 beses sinaksak sa waiting shed, utas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 12, 2026



CONSTRUCTION WORKER, 20 BESES SINAKSAK SA WAITING SHED, UTAS

Photo: File



Natagpuang patay ang isang 22-anyos na manggagawa na may hindi bababa sa 20 saksak sa isang waiting shed sa Kidapawan City nitong Martes ng umaga.


Nakilala ang biktima na si Cesarean Querubin, 22, isang construction worker.

Nabatid sa imbestigasyon na nadiskubre ang kanyang bangkay ng isang estudyante sa waiting shed na nasa harap ng Sibug Elementary School.


Huli umanong nakitang buhay ang biktima sa isang burol na malapit sa lugar bago siya natagpuang nakahandusay sa bangko ng waiting shed at duguan.


Lumabas sa imbestigasyon na nagtamo si Querubin ng hindi bababa sa 20 saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan, kabilang sa kanyang ulo.


Sinasabing paboritong pahingahan ng biktima ang naturang waiting shed tuwing ginagabi ito sa pag-uwi.


Patuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City Police upang matukoy ang mga responsable sa krimen at ang motibo sa pagpatay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page