top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

ConstruCticons, sosyo sa liderato ng NBL Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 16, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 16, 2022



Nakibahagi sa liderato ng 2022 National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup ang Muntinlupa ConstruCticons matapos takasan ang hamon ng Quezon City All-Stars, 95-92, kagabi sa City of Santa Rosa Multi-Purpose Complex.


Ito na ang ikalawang sunod na tagumpay ng Muntinlupa at tumabla sa nagpapahingang La Union PAOwer sa 2-0. Lamang ang All-Stars, 91-84, subalit bumanat ng magkasunod na 3-points sina Francis Abarcar at Manu Codinera at sinamahan sila ni Andre Monteserrat para sa kabuuang 11 sunod-sunod na puntos upang lumamang na may 10 segundo sa orasan, 95-91. Agad binigyan ni Abarcar ng foul si Aurin Stephen Catacutan habang tumitira ito ng tres subalit isa lang sa tatlong free throw ang naipasok niya para manatili ang resulta.


Namuno sa Muntinlupa sina Abarcar at Lloyd Cabeguin na parehong may 18 puntos. Sumunod si Monteserrat na may 17 puntos habang hinirang na Best Player si Nicolo Gonzales na gumawa ng 12 puntos at 8 rebound.


Sa ibang mga laro, ipinahiya ng bisitang Taguig Generals ang host Laguna Kings, 82-73.


Binuksan ang araw ng 103-94 tagumpay ng DF Bulacan Republicans sa palaban na Las Pinas Oil Machine. Gitgitan ang laro ng Generals at Kings hanggang uminit sina Best Player Mike Jefferson Sampurna at Lerry John Mayo para sa walong walang-sagot na puntos at umabante ang Taguig papasok sa huling 5 minuto, 72-66.


Samantala, magkakaroon ng anim na laro ang 2022 NBL Youth Second Conference sa Jose F. Diaz Stadium ng San Mateo, Rizal ngayong Linggo (Oktubre 16). Aabangan ang tampok na laban ng host San Mateo laban sa bisitang Marilao sa U-16 Division simula 3:45 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page