Constantinople, unang kikilatisin sa karera

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 1, 2022
Inaasahang bakbakan agad papuntang meta ang masisilayan ng mga karerista sa Race 1 ngayong araw sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Kikilatisin ng mga liyamadista kung gaano kahusay ni Constantinople, posibleng dominahin nito ang bentahan sa takilya sa karerang may distansiyang 1,300 meter race. Rerendahan ni jockey Jol Siego, makakaharap ni Constantinople ang pitong tigasing kalahok kung saan nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
Ang ibang kalahok ay sina Quick Buck, Stark, Aida's Pet, Shine, Jersy Crown, Heirloom at Arrows Up. "Mahusay na kabayo 'yang si Constantinople, tingin ko mahirapan nila siyang talunin, single ko na 'yan sa gagawin kong winner take all," saad ni Desmond De Villa, veteran karerista.
Hahamigin din ng winning horse ang karagdagang premyo na P5,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.
Tiyak din na aabangan ng mga liyamadista ang laban sa pangalawang karera dahil ayon sa kanila, patukan ang first daily double. "Sana maganda pa bigay na dibidendo, tingin ko patukan 'yung first double," wika ni Carlito Guerrero, tiyempista.
Pang-primera ng tatlong karera tipsters sa programa ang kalahok na si Expensive na sasakyan ni RC Baldonido, sasalang ito sa Condition Race (23).
Makakatagisan ng bilis ni Expensive sina Dimakya Island, Oakhill Princess, Lady Arya, Konzeelanz at Sweetness.
Samantala, pitong races ang inihain ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ngayong araw kaya masaya na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Constantinople (4), Quick Buck (1), Shine (5)
Race 2. Expensive (3), Konzeelanz (5)
Race 3. Pilya (5), Speedy Wego (8), Flashy (4)
Race 4. Black Magic Woman (5), Kailuphia (4), El Lider Maximo (6)
Race 5. Extremely Tough (4), Prince Jhon (3), Izzy Does It (2)
Race 6. Melody's Diamond/Chase The Gold (2/2A), Signature Move (3), Jade's Treasure (6)
Race 7. The Queen (7), Mabalor (2)





Comments