Conscious pa rin sa hitsura… BOYET, AYAW MAGPAIKSI NG BUHOK, NAWALAN NG MOVIE
- BULGAR

- Jul 26, 2024
- 4 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 26, 2024

Naudlot ang first movie project na pagsasamahan dapat nina Christopher de Leon at Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr..
Never pang nagsama sa pelikula ang dalawang bigating aktor.
Si Christopher a.k.a. Boyet, ang nagkuwento sa amin nito habang sinasamahan namin siya sa backstage ng Henry Lee Irwin Theater kung saan ginanap ang 40th Star Awards for Movies last Sunday.
Waiting si Boyet para sa awarding ng Dekada Award na isa sa mga special awards sa 40th Star Awards for Movies na ipapalabas sa A2Z Channel 11 sa Sabado, July 27, 10:30 PM.
Bukod kay Boyet, Dekada awardees din sina Vilma Santos, Piolo Pascual at National Artist Nora Aunor.
Nabanggit din sa amin ni Boyet na ipinadala na sa kanya ni Vilma ang message ng aktres para sa Dekada Award. Hindi kasi nakarating si Vilma sa Star Awards for Movies dahil masama ang pakiramdam.
Sabi ni Boyet sa amin, kinakabahan siya. Nagulat kami na malamang ang isang tulad ni Boyet na multi-awarded actor sa industriya ay kinakabahan pa ring magsalita sa stage.
Natawa si Boyet sa amin at sinabi na 'di raw nawawala ang kaba sa kanya.
Going back sa proyektong pagsasamahan dapat nila ni Sen. Bong, kasama si Boyet sa main cast ng Alyas Pogi na isasali sana sa 2024 Metro Manila Film Festival.
Pinlantsa na ni Boyet ang schedule niya for the movie para ‘di magkaroon ng conflict sa taping ng FPJ’s Batang Quiapo nila ni Coco Martin. Pero mukhang ibang pelikula ang gagawin ni Boyet sa nabakanteng schedule niya.
May movie offer daw sa kanya na gumanap bilang pulis pero tinanggihan niya. Ayaw daw kasi ni Boyet magpaiksi ng buhok na kailangan para sa look ng isang pulis.
Until now pala ay conscious si Boyet sa kanyang hitsura sa screen. No wonder ang pogi-pogi pa rin niya sa screen at nakakakilig pa rin siyang panoorin.
Say nga namin kay Boyet, mas mukhang matanda pa ngayong tingnan si Brad Pitt kesa sa kanya. Ang dami na kasing linya sa face ni Brad Pitt, ‘no!
Natawa ulit si Boyet sa amin. Eh, kasi, sabi ng iba, si Boyet daw ang local Brad Pitt.
Anyway, ang dami pa naming napag-usapan ni Boyet about his career at meron ding personal. Share namin next time.
Dati, binabati ng mga fans nila ni Kim..
XIAN, TAHIMIK LANG NA NAG-CELEBRATE NG B-DAY

Tahimik na ipinagdiwang ng actor-director na si Xian Lim ang kanyang kaarawan last July 12.
Dati-rati kasi ay maingay ang mga fans nila ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu sa pagbati sa kanya sa socmed. Kilig to the max ang Kim-Xi fans sa pa-birthday message ni Kim for Xian noong sila pa.
This year, wala mang pa-birthday message kay Xian si Kim, feel na feel naman ang love ng ina ng actor-director sa pagbati sa kanya sa comment section ng simpleng birthday post niya sa Instagram last July 12.
Ipinost ni Xian ang screenshot ng picture niya noong gumradweyt siya sa elementary.
Ang complete name pala niya ay Alexander Xian Lim Uy. And take note, ang kanyang ambition ay maging classical pianist. Ang sosyal, ‘di ba?
Well, afford naman ng parents ni Xian ang maging classical pianist siya. And in fairness, ipinagpatuloy ni Xian ang passion niyang ito. In fact, may post si Xian sa IG na tumutugtog ng piano, ha?
We just wonder kung ipinagpatuloy ni Xian ang kanyang ambition to be a pianist sa University of the East where he studied in college or may special class siya sa ibang school.
But yes, nag-college po si Xian, and he is an alumnus of University of the East. He took up Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Management.
Expected nang ganitong course ang kukunin ni Xian since his parents are Chinese, and basically majority of the Chinese clans, ang focus talaga ay sa pagnenegosyo.
Nag-enroll si Xian sa UE noong 2008. Pero 'di natapos ni Xian ang kanyang course sa UE maybe because nangibabaw ang pagkahilig niya sa art mula nu'ng bata pa kesa pumasok sa pagnenegosyo.
And speaking of UE, ang current president pala ng sikat na unibersidad sa Recto Avenue ay si Dr. Zosimo Montemayor Battad. At inabutan pala ni Xian si Dr. Battad sa UE. That time, UE Caloocan chancellor si Dr. Battad.
Ang dean of the College of Business Administration where Xian was enrolled at that time ah si Dean Veronica Elizalde. Nag-retire si Dean Elizalde sa UE noong third quarter of 2022.
Knows n'yo rin ba na si Xian ay part ng Team B ng UE Red Warriors Men’s Basketball Team? Puwede, kasi matangkad si Xian.
Initially, he wanted to be a basketball player as his father was one, too.
Ang head coach ng Red Warriors that time ay ang sikat na PBA player na si Dindo Pumaren.
Anyway, isang slice ng cake ang inilagay ni Xian sa caption ng kanyang IG post noong birthday niya.
Pagbati ng mother ni Xian na si Mary Anne, “Happy Birthday, Anak. We all love you, evermore."
Reply ni Xian, “I love you Mom!”








Comments