Confi funds ng DICT, tinutulan ni Pimentel
- BULGAR
- Oct 19, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 19, 2023

Tinabla ni Sen. Aquilino "Koko" Pimentel ang hiling na confidential funds ng DICT sa isang interbyu nitong Huwebes.
Ayon kay Pimentel, dapat maglabas ng mga patakaran ang DICT upang labanan ang mga cybercriminal nang hindi nangangailangan ng confidential funds.
Nagtanggal ang House of Representatives ng confidential funds mula sa ilang ahensiya, kabilang ang DICT sa kabila ng iminungkahing budget ng ahensiya na P300 milyon para sa surveillance funds.
Nang tanungin tungkol sa pagbibigay ng confidential funds sa DICT, sinabi ni Pimentel na hindi kinakailangang itago ang pagbili ng mga kagamitan.
“The DICT’s primary role is not criminal law enforcement. It is not. It may have but it is not the primary role,” pahayag niya sa ANC.
Noong una, sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na ilalapit nilang muli ang kahilingan na confidential funds sa Senado.
Subalit sinabi ni Uy na kung ililipat ang mga inirerekomendang confidential funds ng DICT sa mga pampublikong ari-arian na ino-audit, maaaring gamitin ito ng mga cybercriminal.
Giit ni Pimentel, “If we push that logic, it's absurd, extreme. Ang buong budget pala ng Philippine National Police, puwede nilang sabihing confidential fund na."
Naging sentro ng pansin kamakailan ang depensa ng Pilipinas laban sa cyber attack matapos ang ilang breach o hindi awtorisadong pag-access sa ilang ahensiya, na maaaring magdulot ng panganib sa sensitibong impormasyon.




Comments