Computation ng outstanding balance at fees ng credit card
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 9, 2023
Dear Chief Acosta,
Ako ay credit cardholder at masasabi ko na ako ay nagbabayad nang wasto bago ang due date ng aking card. Ngunit nitong nakaraang araw ay napansin ko na may pagbabago sa aking Statement of Account dahil tumaas ang ibang fees sa aking account at iba na ang paraan ng computation ng aking babayaran na balanse. Ito ba ay akma sa batas? - Mary
Dear Mary,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Section 13 at 25 ng Republic Act No. 10870, otherwise known as the "Philippine Credit Card Industry Regulation Law”, na nagsasaad na:
“Section 13. Changes in the Manner of Computation and Fees. - The cardholder shall be notified at least ninety (90) days prior to any change in the manner of computation of the outstanding balance and the amount of fees to be imposed on the cardholder. If the cardholder finds the change to be unacceptable, he/she shall have the right to terminate his/her account with the credit card issuer subject to Section 25 of this Act. x x x
x x x
Section 25. Termination of Account. - A cardholder may cancel or terminate his/her account anytime; Provided, That the cardholder either pays in full or enters into another agreement for payment of the outstanding balance and new purchases, debits and deferred installments payment may be made either through a one-time payment or on installments within a fixed period of time: Provided, further, That repayment in installments shall only be generally subject to interest unless there is a violation of the new agreement.”
Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang credit cardholder ay dapat mabigyang-abiso sa loob ng ninety (90) days bago ang pagkakaroon ng pagbabago sa paraan ng computation ng outstanding balance nila at sa presyo ng fees na ipapataw sa mga credit cardholders. Kung ang nasabing pagbabago ay hindi katanggap-tanggap, ang nasabing credit cardholder ay may karapatang itigil na ang kanyang kontrata sa kanyang bangko. Ngunit, ito ay dapat naaayon sa probisyon ng Seksyon 25 ng batas, kung saan dapat ang credit cardholder ay maaaring bayaran ng buo ang kanyang balanse o magkaroon ng agreement sa bangko tungkol sa paraan ng pagbabayad ng kanyang outstanding balance.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments