top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Community quarantine, ‘di kayang pigilan ng Pasko

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 28, 2020


Naninindigan ang Metro Manila mayors na hindi luluwagan ang community quarantine ngayong Kapaskuhan upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.


Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., nag-iingat ang mga alkalde at kung magluluwag man ng community quarantine, pagkatapos na ng holiday season.


Gayundin, nanawagan si Galvez kay Interior Sec. Eduardo Año na ipaalala sa mga local government units (LGUs) na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) na higpitan nang kaunti ang galaw ng mga tao kung kinakailangan.


Kung tutuusin, dapat lang na panatilihin ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan, pero dapat, talagang nasusunod ang health protocols.


Kapansin-pansing siksikan na rin ang mga komyuter sa pampublikong sasakyan. Tila balewala na ang mga barrier dahil kung hindi sira-sira, hindi naman sapat para magsilbing harang sa pagitan ng mga pasahero.


Sa mga establisimyento naman, dinededma na lang ng mga kostumer ang contact tracing form, at madalas, hindi pa tama ang pagsusuot ng facemask.


Mapapansin din na dumarami na naman ang mga batang naglalaro sa kalye — mga walang suot na facemask at mula umaga hanggang gabi, hindi nagpapatinag.


Baka nakakalimutan natin, may virus pa rin sa paligid at kaya hindi niluluwagan ang quarantine ay dahil nag-iingat, pero nakalulungkot dahil kung kumilos ang ilan, parang walang pandemya.


Pakiusap sa publiko, makisama naman tayo. ‘Wag nating asahan na mga namumuno lang ang kikilos dahil kung wala tayong gagawin, ano nang mangyayari?


Ilang buwan na nating ginagawa ang pagsusuot ng facemask, social distancing at pagsasagot ng contact tracing form, kaya plis lang, magkusa na lang tayo.


Mahalagang sundin pa rin ang minimum health standards ngayong holiday season para makatulong na maiwasan ang anumang hawaan.


‘Ika nga, ibang-iba man ang paraan ng padiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon, dapat isaalang-alang ang kalusugaCOVID-19 ang 15-anyos na namatay sa Dengvaxia?

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page