top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Communist leader na nasa Netherlands… ANGEL, INAKUSAHANG NAKIPAGKITA KAY JOMA SISON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 28, 2020




Nitong nakaraang linggo ay kaliwa’t kanan ang bira kay Angel Locsin na umabot pa sa puntong pinagbintangan siyang nakipagkita kay Communist leader Joma Sison sa Netherlands at nitong Linggo ay trending ang pag-body shame sa kanya ni Atty. Ferdinand Topacio na mataba o ginamit ang terminong ‘lumobo.’


Ipinagtanggol naman si Angel ng mga netizens laban kay Atty. Topacio. At maging ang talent manager/host/vlogger na si Ogie Diaz ay pinangaralan ang abogado since pinasok na nito ang pagpo-produce ng pelikula. Dapat daw ay maging ka-close niya ang mga artista dahil baka 'pag kinuha niya ang serbisyo nila ay hindi siya pagbigyan.


Anyway, wala kaming nakitang sagot ni Angel sa pamamahiya sa kanya ni Atty. Topacio at maging sa sinasabing nakipagkita siya kay Joma Sison, bagkus ay ini-repost niya ang mga posts ng mga netizens na natulungan niya noon tulad ng avid fan na nagpapasalamat sa kanya nang husto dahil malaki ang nabago sa buhay nito noong sagutin ng aktres ang pagpapagamot nito. Iba pa ang post ng fighting director na sinagot ng dalaga ang operasyon ng isang stuntman dahil naaksidente at marami pang ibang kaso.


Mga ordinaryong mamamayan ang mismong nagpapasalamat kay Angel na natulungan sila noon na hindi nabalita dahil hindi naman nakunan ng kamera tulad ng mga pagtulong niya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas simula sa Ondoy, Yolanda, earthquake sa Mindanao, Marawi siege, Taal Volcano eruption, Covid-19 pandemic at ang walang takot na paglabas ng saloobin sa ginanap na protest rally sa ABS-CBN dahil hindi nabigyan ng bagong prangkisa. Ilan lang ito sa mga nagawa ng isang Angel Locsin.


At nitong Linggo, bilang sagot ni Angel sa lahat ng bira sa kanya ay ipinost niya ang pagtulong na nagawa ng programa niyang Iba ‘Yan sa pamilya ng sapaterong sobrang naapektuhan ng Covid-19 pandemic, si Ginoong Reynaldo Bayawal, 61-anyos.


Aniya, “Marikina, The Shoe Capital of the Philippines. KakaIBA ang pagiging malikhain at tibay 'pag gawang Pinoy."


Dahil na rin sa panawagan ng pamahalaan ng Marikina City, nalaman ng programa ni Angel na Iba ‘Yan ang pangangailangan ng mag-asawang Bayawal. Personal silang pinuntahan ng aktres at nakita niya ang buhay nina Mang Reynaldo at Nanay Flora.


Sa ngayon ay may bagong stall na si Mang Reynaldo at mga bagong gamit para sa gagawin niyang mga sapatos. Sinagot naman ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang kabuhayan package ni Nanay Flora.


Ayon sa mga netizens ay sampal sa mga bashers ni Angel ang lahat ng nagawa niyang tulong sa bansa at hinikayat nilang imbes na tirahin ang aktres ay bakit hindi na lang din tumulong sa mga nangangailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page