Commodora, Ambisioso at You Never Know, ipinapatok
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 26, 2022
Nakatutok ang mga liyamadista kina Commodora at magka-kuwadrang Ambisioso at You Never Know na sisibat sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, ngayong araw.
Angat sa laban ang tatlong nabanggit na kabayo ayon sa komento ng mga karerista sa social media. Pero posibleng hindi lamang sina Commodora, Ambisioso at You Never Know ang pipiliin ng mga mananaya paglarga ng karera sa unang race.
Itoy' dahil puntirya ng mga karerista na masungkit ang carry over sa winner take all.
Ibig ng mga karerista na maka-isang puntos agad sa unang karera kaya paniguradong tatlo hangang apat na kabayo ang pipiliin para isama sa kanilang WTA ticket.
"Mas maganda kung apat na kabayo ang pipiliin para malaki ang tsansa na maka-isang puntos agad, ang laki ng carry over kaya dapat pagbutihin ang pagpili," saad ni Jericho Saturnino, veteran karerista.
Ang ibang kabayong kalahok sa distansyang 1,400 meter race ay sina Twinkle Toes, Senorita Bonita, High Honours, Blue Mist, Go Marty Go, Good Reason, Hunky Dory, Smart Julliane at Static.
Paglalabanan sa carry over ang tumataginting na P1,416,027.40 kaya tiyak na todo ang pag-aaral ng mga karerista. Nakalaan ang added prize na P25,000 para sa unang kabayong tatawid sa meta habang kukubrahin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P5,000.
Samantala, may 7 races ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang lahat ng races.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Ambisioso/You Never Know (2/2A), Commodora (11), Smart Julliane (10)
Race 2. Rockaway (9), Katuparan (10), Yes Kitty/Barayong (6/6A)
Race 3. Platinum Bell (1), Cash Is King (6), Private Dining (3)
Race 4. Step Bell (4), Anika's Will (6), Hot Legs/Divine Dancer (1/1A)
Race 5. Rhaegal (7), Birthright (6), Hook The Hustler (5)
Race 6. Work Bell (1), Shanghai Noon/Goldsmith (6/6A)
Race 7. National Treasure/Noir (3/3A), Double Rock (10), Sky Plus (11)





Comments