Commander Bravo, 794 mga dating-rebelde, inihirit ang amnestiya
- BULGAR
- Aug 31, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | August 31, 2024

Inihirit ni Abdullah Macapaar, na mas kilala bilang 'Commander Bravo,' ang amnestiya sa gobyerno para sa kanyang pagkakasangkot sa mga krimeng kadikit ang pulikita na ginawa nu'ng siya ang namumuno sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), ayon sa isang opisyal ng gobyerno nitong Sabado.
Sinabi ni Darwin Wee, direktor ng Communications and Public Affairs Services ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, na si Commander Bravo ay kabilang sa halos 800 na dating rebelde na nag-apply ng amnestiya na inaalok ng gobyerno.
"He already expressed his intention to apply for amnesty," saad ni Wee kadikit ang inihirit ni Bravo.
Sa nasabing bilang, 686 ay dating mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), 59 mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), 47 mula sa Moro National Liberation Front (MNLF), at dalawa mula sa Rebolusyonaryong Partidong Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB).





Comments