top of page

Comelec, dapat kumilos sa mga palpak na VCM kahit walang pormal na reklamo

  • BULGAR
  • May 10, 2022
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 10, 2022


SARI-SARING aberya ang naranasan kahapon.


Normal lang ‘yan sa halalan.


◘◘◘


MAY ilang lugar nakaranas ng brownout.


Dapat ay pinaghandaan na ‘yan.


◘◘◘


MAY dispalinghadong VCMs.


Siyempre, may mga nagkakadiperensiya.


◘◘◘


DAPAT ay bantayan ang resulta ng mga presinto na nagkaroon ng aberya gaya ng power supply at dispalinghadong VCMs.

Ikumpara ito sa resulta ng mga VCMs na hindi nakaranas ng aberya.


Sino ang nagwagi sa mayorya ng mga VCMs na nagkaaberya?


◘◘◘


HINDI na dapat maghintay ang Comelec ng complaint o reklamo bago suriin ang mga nagka-aberyang VCM.

Dapat ay may technical group na sumusuri sa kalidad at awtentikasyon ng VCMs na nagkaaberya.


Ganun lang.


◘◘◘


ANG pagbagsak ng bilang ng boto ni BBM sa huling vice presidential race ay naganap matapos, magkaaberya o magpalit ng “command” ang mga computer.


D’yan nagpokus dapat ang imbestigasyon.


◘◘◘


BAGUMBAGO na ang mga tao sa Kamara ng mga Representante at Senado sa taong ito.

Sana ay matanggal na ang mga uugod-ugod at beterano.


Nalipasan na kasi sila ng panahon.


◘◘◘


BIGYAN sana ng pagkakataon ang mga kabataan na hawakan ang maseselang komite sa Kongreso.


Ituon ang mga batas sa modernong teknolohiya at inobasyon sa public administration.


◘◘◘


KRISIS sa ekonomiya ang dapat No.1 priority.

Tanggalin ang pork barrel na ang badyet ay ninanakaw gamit ang infrastructure projects.

Alam ng lahat na nagbubulsa ng milyong komisyon ang lahat ng signatories sa kontrata kasama ang mambabatas.


Mahirap bang isipin ‘yan?


◘◘◘


MASYADONG napagod ang mga bayarang taga-showbiz.


Mawawalan na sila ng “special show” sa mga lalawigan.


◘◘◘


TITIGIL na rin ang maliliit na negosyo na nakadikit sa kampanya.


Balik sa krisis ang bansa.


◘◘◘


MAAARING biglang mag-tag-ulan.

Ano ang contingency measures?


Wala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page