Colony Bell at Radio Bell bida sa Own Racing Stable
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 27, 2022
Nagsaya ang Bell Racing Stable noong Linggo dahil dalawang stakes races ang napanalunan ng kanilang mga alaga.
Unang kumalawit ng korona ay si Colony Bell at pangalawa si Radio Bell na nagwagi sa 3rd Leg Triple Crown Stakes race. Nagpakitang gilas si Colony Bell sa 2022 PHILRACOM "3-Year-Old Locally Bred Stakes na pinasibat sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ang Bell Racing Stable ay pag-aari ni Elmer De Leon na ama ng sikat na volleyball player na si Bea De Leon.
Humanga ang mga kareristang nakasaksi ng panalo ni Colony Bell na sinakyan ni class A rider Mark Angelo Alvarez, tinawid nito ang meta ng may apat na kabayo ang agwat sa nasegundong Queen Louise. "Sa last 600 meters nakita ko na malaki na tsansa namin at nu'ng pagsungaw ng rekta alam ko amin na 'yung panalo," ani Alvarez.
Inilista ng anak nina Sakima at Colony Crossing ang 2:10 minuto sa distansiyang 2000 meter race (25-24'-25-28') sapat upang hamigin ang premyong P600.000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
"Congratulations to all the winners especially to the Bell Racing Stable for taking two out of the three high stakes events. I'd also like to thank the bayang karerista for their support in today's exciting races," pahayag ni Philracom top honcho de Leon.
Nasungkit ng second placer na si Queen Louise ang P200,000 habang tig-P100,000 at P50,000 ang nasungkit ng 3rd at 4th na sina Thermodynamics at Victoriousprincess ayon sa pagkakasunod.





Comments