College students, dapat ding protektahan laban sa masamang panahon

Updated: May 30, 2024
@Editorial | May 29, 2024

Heatproof at waterproof ba ang college students?
Ito ang tanong ng karamihan sa tuwing nagsususpinde ng klase sa elementary at high school ‘pag matindi ang init ng panahon o ‘pag grabe naman ang buhos ng ulan.
Ito rin ang tanong matapos namang aprubahan ang pagbabalik sa dating pasukan sa basic education.
Kung saan, may panawagan na ikonsidera rin ang pagbabalik sa lumang kalendaryo ng pasukan sa kolehiyo.
Base sa panukala, dapat i-review ng Commission on Higher Education (CHED) ang patakaran ng mga pamantasan na simulan ang academic year nang Agosto o
Setyembre. Kasabay nito ang tanong na sapat nga ba na tuwing tumitindi ang init ay online classes o distance learning na lang ang solusyon?
Iginiit din na wala umanong pruweba na ang pagpapalit ng school calendar ay nagpataas sa kalidad ng edukasyon.
Maaaring sumabay nga tayo sa school calendar ng ibang bansa, pero ang tanong, nakasabay din ba tayo sa standards nila at ng mga kumpanya o napag-iwanan lang?
Kaya bukod sa pag-review sa school calendar, mas dapat ding pagtuunan ang pagtuturo at pag-aaral.
Hindi maitatanggi na hanggang ngayon ay marami pa ring problema sa edukasyon. Mula sa nararapat na pasahod sa mga guro, maayos na mga pasilidad sa eskwelahan hanggang sa suporta sa mga pangangailangan ng mga estudyante.



Comments