College student, pinutol ang mga binti para sa P72.7M insurance scam
- BULGAR

- Mar 21, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 21, 2024

Sinubukan ng isang college student sa Taiwan na makakuha ng $1.3 million o P72.7 milyong insurance payout sa pamamagitan ng pagputol ng kanyang mga binti.
Inilubog ng kinikilalang 23-anyos na si Zhang ang kanyang mga paa sa dry ice sa loob ng mahigit sa 10 oras upang magdulot ng malubhang pagkasugat na nangangailangan ng amputation, ayon sa ulat ng Taiwan Criminal Investigation Bureau nitong Huwebes.
Sinabi ng ahensya na isang kaibigan ni Zhang mula sa high school, na kinilalang si Liao, ang nangumbinsi sa kanya na gawin ang insurance scam.
Ayon sa mga imbestigador, nalugi ang 23-anyos na si Liao dahil sa cryptocurrency, at inuto niya si Zhang upang pumirma ng isang legal na kasulatan na nag-uutos sa kanya na magbayad ng halos $800,000 o P44,700,000.
Noong gabi ng Enero 26, 2023, nag-motorsiklo sina Liao at Zhang sa Taipei, na naglalayong magpakita ng kagulat-gulat na alegasyon na nadale si Zhang ng frostbite habang nagmamaneho ng motor. Ilang araw bago ito, binili ni Zhang ang ilang mamahaling life insurance, travel insurance, at accident insurance.
Ayon sa mga piskal, naputol ang mga binti ni Zhang dahil sa kanyang mga frostbite injuries.
Inaresto sina Liao at Zhang at parehong sinampahan ng "fraud" at "abetting serious injury" noong Enero 17.








Comments