top of page

Coleen, nadulas… VICE AT BILLY, CONFIRMED NA MAY AWAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 25, 2023
  • 2 min read

ni Maricon Nolasco @MarisPluk | September 25, 2023



Nakapanayam ang actress at misis ni Billy Crawford na si Coleen Garcia sa isang event at natanong siya tungkol sa hindi pagkakaunawaan o sama ng loob sa pagitan nila ng mister niya at sa mga dating kasamahan sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.


Iginiit ni Coleen na wala silang sama ng loob ni Billy sa mga hosts ng It's Showtime, pero umamin siya na nawalan na sila ng communication sa isa't isa nang lumaganap ang COVID pandemic sa bansa.


Kaya ngayon, masasabi niya na hindi na raw sila ganu'n ka-close ni Billy sa mga hosts ng It's Showtime dahil madalang na lang daw talaga silang magkita-kita ‘di tulad noong parte pa silang dalawa ng nasabing Kapamilya noontime show.


Pero, wish ni Coleen na magkaroon sila ng chance na magkasama-sama upang makapag-bonding dahil hindi pa raw niya nakikita uli ang mga dating kasamahan sa It's Showtime.


Nang matanong naman siya tungkol sa ‘tampuhan’ daw ng kanyang mister na si Billy at ng TV host-comedian na si Vice Ganda, sey niya ay mas maganda kung ang dalawa ang direktang tanungin ukol dito.


“Kung anuman 'yun, sa kanila na 'yun. Mas okay na sila na lang ang tanungin n'yo.”


Ganunpaman, wala naman daw problema sa side nilang mag-asawa at sa iba pang bumubuo ng It’s Showtime.


Matatandaang naging usap-usapan ang pag-unfollow nina Billy at Vice sa isa't isa sa social media at nagsimula raw ang 'tampuhan' ng dalawa dahil sa paglipat ng una sa ibang network.


Ayun na nga! Tama naman si Coleen, mas maganda ngang sina Billy at Vice na lang ang tanungin kung true bang may tampuhan sila, ‘di ba, mga Ka-BULGAR?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page