Cole Is A Roll at Sonic Clay sanib-puwersa sa 2-YO Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 1, 2022
Magsasanib-puwersa sina Cole Is A Roll at Sonic Clay para sikwatin ang panalo sa sasalihang 2-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas ngayong gabi.
Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce si Cole Is A Roll habang si star jockey Jeffril Zarate ang gagabay kay Sonic Clay.
May distansiyang 1,200 meter race, ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Rocking Bell, Sylvia Plath at magka-kuwadrang Alalum Falls at Mount Maagnaw.
Hahamigin ng winning horse owner ang added prize na P10,000, inaasahang magdodomina sa takilya ang magkakamping Cole Is A Roll at Sonic Clay.
"Tingin ko lamang sila Cole Is A Roll at Sonic Clay sa laban, puwede na sila i-single sa winner take all," saad ni Alfred Vicente, veteran karerista.
Pakakawalan ang nasabing karera sa Race 1, magsisimula ang bakbakan sa alas-6:15 ng gabi.
Paniguradong bakbakan din ang masisilayan ng mga karerista sa Condition Race (23) na pakakawalan naman sa pangalawang karera.
Pitong tigsing kabayo ang maglalaban sa distansiyang 1,200 meter race, ito'y sina Rafa, Tontoneeto, Magnitude Eight, Yabba Dabba Doo, Boysofmeadows, Batang Heroes at Kusing.
Mga Pili ni Magat:
Race 1 - Cole Is A Roll/Sonic Clay (2/2A), Rocking Bell (5)
Race 2 - Kusing (7), Rafa (1), Boysofmeadows (5)
Race 3 - Andromeda (2), Jawo (4)
Race 4 - Smiling Lady (5), Namaskar (4)
Race 5 - Kingwsh Dirtbgone (6), Manang Biday (1)
Race 6 - Pitong Gatang (4), Lady Khaleesi (1)
Race 7 - Mark Of Distinction (8), Vandrex (4), Great Britain (4)





Comments