Coach Guiao, balik E-Painters, Ayo, magdedebut sa FiberXers
ni Gerard Arce - @Sports | September 23, 2022

Parehong masusubukan sa kanilang bagong koponan ang pagbabalik Rain or Shine Elasto Painters ni coach Yeng Guiao na makakaharap ang dating koponan na NLEX Road Warriors, habang magdedebut naman sa liga si two-time collegiate champion Aldin Ayo para sa Converge FiberXers laban sa matulin na Terrafirma Dyip sa hitik-na-hitik na aksyon ng 47th PBA Commissioner’s Cup ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.
Dalawang beses dinala ni Guiao ang Elasto Painters sa kampeonato noong 2010 at 2016 bago ito lumipat sa Road Warriors, ngayon, makakasagupa ang dating minanduhang koponan na may imementor naman ni Frankie Lim, na huling beses gumabay sa PBA noong 2015 sa Brgy. Ginebra San Miguel bago palitan ni coach Tim Cone.
Hindi pa nagagamay ni Lim ang bagong koponan matapos italaga siya makaraan lamang ang dalawang araw, habang ilang beses ng makapagsanay si Guiao sa Elasto Painters na muling makakasama ang mga dating manlalarong sina Beau Belga at Gabe Norwood, samantalang ipaparada ang import na si Steve Taylor, dating manlalaro ng Toledo Rockets na pumalit sa dating import na si Daniel Ochefu.
Tutulong para sa Road Warriors si NBA campaigner Earl Clark na makakasama ang bagong player ng koponan na si 2022 overall first pick Brandon Ganuelas-Rosser na galing sa trade mula Blackwater, matapos ipamigay sina Calvin Oftana at Raul Soyud.
Patuloy namang babanat para sa NLEX sina Kevin Alas, Don Trollano, JR Quinahan, Tony Semarad at Justin Chua, habang makakabanggaan ang mga batang sina rookies Gian Mamuyac, Shaun Ildefonso, Mike Nieto, Andrei Caracut, Santi Santillan, Rey Nambatac, Norbert Torres at Mark Borboran.
Mga laro ngayong araw (Biyernes) (Philsports Arena-Pasig City) 3:00 n.h. – Terrafirma Dyip vs Converge FiberXers; 5:45 n.h. – NLEX Road Warriors vs Rain or Shine Elasto Painters





Comments