Co-host sana, inindiyan siya…

WILLIE, TINALAKAN SI MISS MANILA, BANNED NA SA SHOW NIYA NA MAY 86 MILLION VIEWERS DAW
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 19, 2020

Hindi napigilan ng Wowowin host na si Willie Revillame ang kanyang inis sa dapat ay guest co-host niya kahapon (Friday) sa kanyang game show sa GMA-7 na si Miss Manila Alexandra Abdon.
Sa mismong programa, kumakagat ang mga salitang binitiwan ni Kuya Wil laban sa naging pambato ng Manila sa Miss Universe 2020 dahil sa biglang hindi nito pagsipot sa guesting.
Panimula ni Kuya Wil, "Dapat si Miss Manila, guest natin, eh, ano raw pala… Ano 'yun? Merong shoot. Wala nang ginawa 'yung mga Miss Universe kundi mag-shoot."
Kasunod nito, nagbitaw ang TV host ng salita na hindi na muling makakapag-guest o banned na sa Wowowin si Alexandra dahil sa pagiging unprofessional nito.
"Okay, so, sorry, hindi ka namin maige-guest na, 'di mo kami binigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ka," sabi ni Kuya Wil na obyus na nasaktan sa ginawa sa kanila ng beauty queen.
Dagdag pang himutok ni Kuya Wil, "Nag-commit ka, sayang, dapat ikaw ang co-host ko, Miss Manila.
"Tingnan mo, isa't kalahating oras ka sa TV, sandali ka lang sa Miss Universe, talo ka pa.
"Miss Manila, Alex, 'di ba? 'Di nag-iisip, eh. 'Pag tinawagan ka ng Tutok To Win, ng staff namin, kanselin mo lahat, dahil dito, ang exposure mo, 21 million sa social media, 86 million sa telebisyon ang nanonood araw-araw."
Kuwento pa ng TV host, 'di nga raw niya pinag-report kahapon sina Hipon Girl (Herlene Budol) at Michelle Gumabao dahil ang alam niya ay si Alexandra Abdon ang kanyang co-host, 'yun pala ay biglang hindi siya sisiputin.
"'Di ko na nga pinapasok sina Hipon at Michelle. Medyo high blood pa ako, kailangan ko ng guest co-host.
"Sorry, Miss Manila, that's it. Maybe, see you in another life," pagbibiro pa ni Kuya Wil.
'Yun na!
Oo nga naman, ang dami-daming gustong magkaroon kahit ng 15 minutes of fame, tapos sinayang pa ni Miss Manila ang opportunity. Kung may iba pa pala siyang commitment, sana 'di na siya umoo sa Wowowin, 'di ba?





Comments