Club Kensai at Grand Majesty, magsasabayan
- BULGAR
- Sep 24, 2022
- 2 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 24, 2022
Magtutulungan sina Club Kensai at Grand Majesty para masikwat ang panalo sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, ngayong araw.
Gagabayan ni Pabs Cabalejo si Club Kensai habang si Kelvin Abobo ang rerenda kay Grand Majesty, makakatagisan nila ng bilis sina Advocacy, Ligiron, Comanche Chief, Etnad, Roaring Kanyon at Super Cool. May distansiyang 1,400 meter race, ang nasabing karera, paglalaban ang added prize na P20,000 para sa winning horse owner.
Komento ng mga karerista sa social media, posibleng magbigay ng magandang laban sa magka-kuwadrang Club Kensai at Grand Majesty ay si Roaring Kanyon. "Tingin ko magaling na kabayo si Roaring Kanyon kaya malaki ang tsansa niyang manalo," saad ni Johnny Alvarez.
Ilalarga ang nasabing karera sa unang race, suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Maliban sa nasabing karera, tiyak na magandang laban din ang masisilayan ng mga karerista sa PHILRACOM Rating Based Hanndicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera. Maglalaban sa distansiyang 1,500 meter race ay sina Bocaue Rivertown, Prettiest Star, Heroesdelninetysix, Krugerrand, Fortissimo, Tocque Bell, Charm Bell, Electrify at Serafina.
Samantala, pitong races ang ipaparada ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw ng Sabado kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Club Kensai/Grand Majesty (1/1A), Roaring Kanyon (6)
Race 2 - Krugerrand/Fortissimo (4/4A), Tocque Bell/Charm Bell (5/5A), Electrify (6)
Race 3 - Avalone Bandit (8) Cash Is King (2), Lemon Bell (3)
Race 4 - Noon Bell (7), Kevlar (3), Mandatum (6)
Race 5 - Den Deren Denden (5), Kipitaki (4), Color Blast (6)
Race 6 - Moderne Cong (3), Beli Bell (2)
Race 7 - Highly Honored/Amor Mi Amor (1/1A), Super Cong (4), Darna (8)





Comments