CLAUDINE, PROUD BBM SUPPORTER, TINAWAG NA BOBO
ni Nitz Miralles - @Bida | May 1, 2022

May mga hindi nagustuhan ang post ni Claudine Barretto sa Instagram na “I AM PROUD TO SAY THAT I AM ONE OF 31 MILLION WHO VOTED FOR BBM-SARA” at sinundan ng “BBM/SARA MARAMING SALAMAT.”
May mga nag-react at nag-comment na proud pa talaga si Claudine. May tumawag sa kanyang bobo at kung anu-ano pang bad words.
Ibig sabihin, marami ang hindi pa rin nakapag-move on sa resulta ng eleksiyon.
May mga nang-asar at tinanong si Claudine kung nanalo ba siya sa pagtakbo niyang konsehal sa Olongapo City. Hindi pinalad manalo si Claudine, pero wala kaming nabasang nagreklamo siya at tinanggap nito ang resulta.





Comments